25.9 C
Puerto Princesa City
Thursday, July 7, 2022

Libreng Serbisyong Medikal Mula Sa Ipilan Nickel Corp. Community Doctor, Nagsimula Na

- Advertisement (970x250 Desktop) -

Libreng Serbisyong Medikal Mula Sa Ipilan Nickel Corp. Community Doctor, Nagsimula Na

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Apatnapu’t pitong residente mula sa Bgy. Calasaguen at Bgy. Mambalot ang nakatanggap ng libreng serbisyong medikal sa unang dalawang araw ng paglilingkod ni Dra. Mildy Macaranas bilang community doctor ng Ipilan Nickel Corporation (INC) na nakatalaga sa mga host at neighboring barangay nito.

Mayo 17, 2022 nang magsimula ang regular na medical consultation ni Dra. Macaranas sa Brgy. Calasaguen na sinundan naman ng Bgy. Mambalot nitong ika-19 ng Mayo. Dalawang beses sa isang buwan ang schedule ng pagbisita ni Dra. Macaranas sa bawat barangay para masiguro ang kalusugan ng bawat residente.

- Advertisement (300x250) -

Ang pagtatalaga ng isang community doctor ay isa sa mga kahilingan sa INC ng mga opisyal ng mga nasabing barangay para sa pagpapatibay ng kanilang sektor na pangkalusugan. Ito ay sa ilalim pa rin ng Social Development and Management Program (SDMP) ng INC na kabilang sa mandato ng gobyerno sa mining companies.

Ayon kay Dra. Macaranas, ang paglalaan ng INC ng community doctor para sa mga barangay ay daan din para makapagbigay ng tamang impormasyong pangkalusugan sa mga residente, bukod pa sa libreng serbisyong medikal na kanilang matatanggap.

“Isa sa positive impacts syempre kung mayroong doktor [sa mga komunidad] ay mae-educate sila. Dapat kasi parte iyun ng ating community service, so magkakaroon sila ng health awareness. ‘Yun talaga ‘yung malaking dapat mangyari sa kanila—health education,” pahayag ni Dra. Macaranas.

Para kay Vilma Gonzales-Agon, Rural Health Midwife ng Bgy. Calasaguen, malaking bagay ang ginawa ng INC para mabigyan ang mga residente sa malalayong lugar ng access sa professional healthcare.

“Malaki po ang magagawa dahil po kapag may doktor, may reseta agad. Pwede nilang mabili agad ‘yung gamot nang hindi na po sila magbabayad ng konsultasyon. Malaki po ang tulong na may community doctor dahil katulad po sa amin, malayo kami sa bayan so self-medication ang ginagawa namin dahil mahirap po sa community ang makarating sa bayan para lang magpa-checkup kahit na libre ang serbisyo, pero ang transportation medyo malaki kaya mabigat pa rin po,” ani Gonzales-Agon.

Ayon pa sa kanya malaking tulong din ito sa barangay health workers dahil mas nagagabayan sila nang tama sa pag-aalaga sa kalusugan ng mga residente.

“Sa amin po, syempre po maganda [na may community doktor], dahil may ka-team na kami. Matutugunan na agad kung ano ang kanilang health complaints. Masasagot na po agad dahil nandoon na po si doktora, so malaking tulong po ‘yun sa aming mga health worker,” dagdag pa niya.

Para naman sa ilang residente gaya ni Abdul Salie Hamid, hindi na umano nila iisipin pa kung saan kukuha ng pambayad sa pagpapa-checkup dahil sa libreng medical consultations mula sa INC.

“Mas makakatulong po sa mga katulad namin na walang sapat na pambayad kapag magpapa-checkup. Hindi lang po sa amin. Pati sa ibang mga kabarangay ko rito, mas makakatipid po kami sa pag-alaga sa kalusugan,” masayang pahayag ni Hamid.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng community doctor, inilalapit ng INC sa mga komunidad ang serbisyong medikal sa mga residente para maiwasang maglakad pa sila nang ilang oras o gumastos para lang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Dahil dito, maipapaabot na rin sa mga residente ang tamang impormasyon kaugnay sa kanilang kalusugan.

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -