25.9 C
Puerto Princesa City
Thursday, July 7, 2022

Voters Education isinagawa ng Maunlad Na Pilipinas Movement sa Puerto Princesa City

- Advertisement (970x250 Desktop) -

Voters Education isinagawa ng Maunlad Na Pilipinas Movement sa Puerto Princesa City

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Para turuan ng tamang pagboto at masigurong hindi masasayang ang pagboto sa BBM-Sara tandem at ang Uniteam nito, isang voters education campaign ang isinagawa ng Maunlad na Pilipinas Movement nung April 27 sa Mendoza Park dito sa Puerto Princesa.

Ang Maunlad Na Pilipinas Movement o MPM ay isang volunteers people’s organization na itinatag nung taong 2020, para suportahan ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

- Advertisement (300x250) -

Ayon kay Gary Dela Paz, founder at Presidete ng nasabing samahan kailangan maintindihan ng mga taga suporta ang tamang proseso ng pagboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9. mahalagang mahanap agad ang puwesto at numero ni Marcos at ni Duterte para hindi malito, at hindi masayang ang boto.

(L to R) MPM Deputy for Political Richard Rico, Pres. Gary Dela Paz, VP Ruem Zamudio and Retired General and Palawan Chapter Coordinator Vilmar Acbaniqued

Ang MPM ay mayroong dalawang libong miyembro sa boung Palawan at Puerto Princesa, nilinaw nilang hindi sila naniningil at walang kailangan bayaran, at walang ID na makukuha kapag sumanib sa kanilang organisasyon, umiikot sila sa boung bansa at may mahigit 400 na chapter at SEC registered bilang people’s organization.

Kaugnay naman sa mainit na usapin kung darating ba sa Palawan ang BBM-Sara tandem para mangampanya, ayon kay Dela Paz wala sila sa posisyon para maghayag ng iskedyul ng kampanya ng Uniteam, nasa ibang posisyon ang kanilang samahan ngunit iginiit nilang hindi sa walang pahalaga sa Palawan o Puerto Princesa si BBM, tandaan nila na ang mga platapormang isinusulong ni BBM ay pang buong bansa, at kasama doon ang Palawan.

Kasama ni Dela Paz na bumisita sa lungsod sina Ruem Zamudio, National Vice President ng MPM, at Richard Rico, Deputy for Political Affairs ng MPM.

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -