Friday, May 17, 2024

55 printer ibinigay ng Ipilan Nickel Corporation sa mga public school ng Brooke’s Point.

PALAWANDERER.COM

55 printer ibinigay ng Ipilan Nickel Corporation sa mga public school ng Brooke’s Point.

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nakatanggap ng tig-isang printer at ink set ang 55 pampublikong paaralan sa bayan ng Brooke’s point. Ipinagkaloob ng Ipilan Nickel Corporation (INC) ang mga nasabing printer nitong ika-6 ng Pebrero, 2023. Sa nasabing project turnover ay dumalo ang North at South District Supervisor ng Brooke’s Point na sina Mary Jane Virrey at Paterno S. Marquez Jr.

Taos pusong pasasalamat ang laman ng mensahe ng mga nabangit na district supervisor. Malaking tulong umanao ang nasabing mga printer upang matugunan ang pangangailangan ng mga paaralan sa paggawa ng kanilang mga educational materials.

“Maraming salamat sa mga printer na ito. Very timely at malaking tulong ito lalo na sa mga schools na nasira ang mga printers nila,” pasasalamat ni Mary Jane Virrey.

Ang mga printer na ipinagkaloob na nagkakahalaga ng P 714,725.00 ay inisyatibo ng INC sa ilalim ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR). Patuloy ang pagsisikap ng INC na matulungan ang sektor ng edukasyon upang mas mapalakas pa ang antas ng kamalayan ng mga estudaynte.