26.5 C
Puerto Princesa City
Monday, September 26, 2022

FPIC-MOA sa pagitan ng IP Community at Ipilan Nickel Corporation, silyado na.

- Advertisement (970x250 Desktop) -

FPIC-MOA sa pagitan ng IP Community at Ipilan Nickel Corporation, silyado na.

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pirmado na ng mga Panglima at mga Tribal Leaders ng Palaw’an Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples (ICCs/IPs) ang Free and Prior Informed Consent Memorandum of Agreement (FPIC-MOA). Ito ay matapos magkasundo ang Katutubong Pamayanan, NCIP at Ipilan Nickel Corporation (INC), dahil na rin naunawan ng mga katutubo ang mga nilalaman ng kasunduan, mula sa pagpapaliwanag ng NCIP sa kanila. Matapos bomoto pabor sa opersayon ng INC ang napakaraming mga katutubo ay humantong na nga sa FPIC MOA signing ang INC at IP community.

Ang ICCs/IPs ay binubuo ng anim na katutubong pamayanan mula sa Bgy. Aribungos, Barong-Barong, Ipilan, Mambalot, Maasin at Calasaguen. Ang nasabing MOA signing ay isinagawa nitong ika-1 ng Setyembre, 2022 sa Bgy. Ipilan , Brooke’s Point , Palawan na dinaluhan ng siyamnapu’t siyam na mga Panglima at Tribal Leaders ng mga nabangit na barangay at mga opisyales ng INC. Ito ay pinasimunuan ng NCIP at sa presensya ni Atty.John Mark Caralipio na syang nagnotaryo ng mga dokumento.

- Advertisement (300x250) -

Bago isinagawa ang MOA signing ay nagkaroon muna ng MOA negotiation, kung saan ay inilahad ng mga katutubo ang mga proyekto na nais nilang maipatupad sa ilalim ng Community Royalty Management and Development Program (CRMDP) at mga tulong sa ilalim naman ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng INC. Sinundan ito ng MOA validation, sinuri ng NCIP at iprinisinta ng mga Panglima sa kanilang nasasakupan ang mga napagkasunduan.

Ang MOA signing ang isa sa nakikitang paraan ng mga katutubo upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang komunidad.

“Ang MOA signing na ito ay isang matagumpay na gawain para masulosyunan ang hirap na nararanasan naminng mga katutubo. Ito ay paraan para matugunan ang pangangailangan namin sa health, edukasyon at livelihood. Magandang kabuhayan ang pamana ng responsableng pagmimina na dala ng Ipilan Nickel Corporation,” pahayag ni Chieftain Renila Dulay ng Bgy. Aribungos.

Binigyang diin naman ng OIC-Resident Mine Manager ng INC, na si Alex Arabis ang kahalagahan ng nasabing kasunduan.

“Napakahalaga ng FPIC MOA, dahil ito ay isang patunay ng pagpahintulot, pagpayag at pangtanggap ng mga Katutubong Kumunidad sa proyektong pagmimina. Dito rin nakasaad ang ibat-ibang benepisyo at proyekto na matatatanggap ng mga IP communities lalo na sa aspeto ng kalusugan, edukasyon, infrastructure, pangkabuhayan at paglinang ng mga kultutarang katutubo. Ayon din sa batas, ang mga katutubo ay makakatanggap ng 1% Royalty sa kabuuang kita ng mina,” pahayag ni G. Arabis.

Sa pamamagitan ng video message, ipinaabot ni Atty. Dante Bravo, presidente ng INC, ang taos pusong pasasalamat ng pamunuan sa napakalaking suportang ipinakita ng mga katutubo sa INC.

“Sa kabila ng mga pangamba at agam-agam ng ilan ay mas pinili ninyong maniwala sa Responsableng Pagmimina na dala ng Ipilan Nickel Corporation . Asahan ninyo na patuloy naming tutuparin ang mandato ng gobyerno upang mapangalagaan ang inyong lugtang kagurang-gurangan at ang ating kalikasan…Wala kayong aalalahanin na ang inyong sakahan ay maapektuhan ng aming operasyon. Siguradong-sigurado po kami na ang aming operasyon ay mas makakabuti kaysa makasasama,” pahayag ni Atty. Bravo

Ang FPIC MOA ang nagbubuklod sa Katutubong Pamayanan at sa Ipilan Nickel Corporation upang maisulong ng mga katutubo ang mga hangarin nilang mga programa at proyekto para sa kaunlaran ng kanilang komunidad.

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -