24 C
Puerto Princesa City
Sunday, December 4, 2022

Ipagbawal ang mga pambatang PVC raincoat dahil sa taglay nitong toxic lead at cadmium!

- Advertisement (970x250 Desktop) -

Ipagbawal ang mga pambatang PVC raincoat dahil sa taglay nitong toxic lead at cadmium!

- Advertisement (300x250) -

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ginawa ng BAN Toxics ang panawagan pagkatapos mag-positibo sa lead at cadmium ang mga nabiling raincoats galing sa isinagawang test buy operation. Gamit ang SCIAPS X-200 HH XRF Analyzer, nakitaan ng mataas na level ng lead at cadmium ang mga nabiling produktong raincoats.

Inilabas ng DENR ang DAO 2013-24 o CCO para sa Lead at Lead Compounds na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga kemikal na lead o tingga sa produksyon at paggawa ng mga school supplies.

- Advertisement (300x250) -

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang lead ay kilala na nakalalasong kemikal na may malubhang epekto sa katawan lalo na sa mga bata. Ang lead ay maaaring magdulot ng malubhang sakit sa kanilang kalusugan, partikular na ang ang utak at central nervous system na nagiging sanhi ng coma, convulsion, at kamatayan. Ayon pa rito, ang lead ay maaaring makaapekto sa pagbuo ng utak ng mga bata, na maaaring magresulta sa mababang  intelligence quotient (IQ), pagbabago sa pag-uugali tulad ng maikling  atensyon, pagkakaroon ng antisocial na pag-uugali, at mababang antas sa edukasyon. Ang lead din ay nagdudulot ng anemia, hypertension, sakit sa bato, immunotoxicity at toxicity sa mga reproductive organ. Ang mga neurological at behavioral effect ng lead ay pinaniniwalaang hindi na mababawi.

Ang cadmium ay nagdudulot ng mga nakalalasong epekto sa bato pati na rin sa skeletal at respiratory system. Ito rin ay isang human carcinogen na nagdudulot ng kanser.

“Kami ay mananatiling mapagmatyag at ipagpapatuloy ang pagmumulat sa publiko sa mga nakalalasong kemikal sa mga produktong pambata bilang bahagi ng aming kampanya na Toxics-Free Schools Program. Ang proteksyon ng ating mga anak mula sa nakakapinsalang kemikal ay kanilang karapatan at ating responsibilidad,” ani Thony Dizon, Toxics Campaigner ng BAN Toxics.

“Tinatawagan din namin ang atensyon ng mga nagtitinda ng mga produktong pambata na magbenta lamang ng mga produkto na sumailalim sa product safety standards, kabilang ang kumpletong etiketa ng produkto at chemical information upang gabayan ang mga mamimili,” dagdag niya.

Ang BAN Toxics ay isang non-government environmental organization na nagsusulong ng katarungang pangkalikasan, kalusugan, kaligtasan sa kemikal, at maayos at wastong pamamahala sa kemikal at basura, na may pagtuon sa kababaihan, bata, at iba pang bulnerableng sektor.

References:

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/lead-poisoning-and-health

https://www.who.int/teams/environment-climate-change-and-health/chemical-safety-and-health/health-impacts/chemicals/cadmium

https://chemical.emb.gov.ph/wp-content/uploads/2017/03/DAO-2013-24-CCO-Lead.pdf

This article has been initially published last

What can you say about this story?

- Advertisement (300x250) -

What's the latest?

- Advertisement (970 x 250 Desktop) -