Friday, September 29, 2023

Ipilan Nickel, Matagumpay na Nagdaos Ng IEC Laban Sa Misinformation

PALAWANDERER.COM

Ipilan Nickel, Matagumpay na Nagdaos Ng IEC Laban Sa Misinformation

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagsagawa ng Information and Education Campaign (IEC) ang Ipilan Nickel Corporation (INC) sa Barangay Pangobilian sa Brooke’s Point, Palawan na dinaluhan ng mahigit 500 residente. Ang IEC drive ay naglalayong ipaabot sa mga residente ang tama at dokumentadong mga impormasyon tungkol sa responsableng pagmimina, pati na ang mga benepisyo at kontribusyon ng isang minahan sa isang bayan, partikular sa mga mamamayan ng Brooke’s Point. Nauna na rito, nagsagawa na rin ang kompanya ng IEC  drive sa Bgy. Barongbarong nitong ika-27 ng Pebrero. Nagkaroon din ng dalawang araw na Stakeholder’s Day ang INC, kung saan sa unang araw ay dumalo ang mahigit 700 mga empleyado nito at kanilang pamilya. Ang ikalawang araw naman ay dinaluhan ng mahigit 2,500 na mga residente mula sa Bgy. Calasaguen, Maasin, Mambalot, Ipilan at Aribungos

Sa sa tulong nito, isinusulong din ng INC na pagtibayin ang tiwala ng mga komunidad na may malaking bahaging ginagampanan sa kanilang operasyon sa pamamagitan ng mga trabahong naibibigay ng kumpanya.

Sa nasabing pagtitipon, nabigyan ng pagkakataon ang mga residente na magpahayag at linawin ang kanilang mga nakukuhang impormasyon tungkol sa pagmimina. Nagbigay ito ng daan para matalakay ng INC ang iba’t ibang programang inilaan ng pamunuan nito sa komunidad, kabilang na ang kanilang suporta para sa edukasyon, kalusugan, at mga proyektong pangkabuhayan.

Isa sa mga residente ang nanghikayat na suportahan ang INC dahil sa mga oportunidad na maaari nitong idulot sa bayan ng Brooke’s Point: “Para mas maging malawak po ang pagkakaintindi natin… Ilang mga mayor na (at) vice mayor ang nanungkulan sa bayan natin pero hindi ko pa rin nakikita ‘yung magandang pagbabago. Ang dami pa rin po sa mga kababayan natin walang trabaho,” pahayag ni Lorens Nanoy. “Nandiyan po si Ipilan Nickel (Corporation), nagbibigay ng magandang trabaho. Hindi lang po ‘yung pagtulong sa mga barangay, nag-open din po siya ng mga magandang oportunidad para sa bayan ng Brooke’s Point. Bakit hindi po natin subukang subportahan ang Ipilan Nickel (Corporation) ngayon?” Dagdag pa niya.

Noong 2022, aabot sa Php 53.33 milyon na direktang kontribusyon ng INC sa lokal na komunidad sa ilalim ng kanilang Social Development and Management Program, Total Committed IP Assistance, at Corporate Social Responsibility.

Matatandaang 100 porsiyento ng mga kuwalipikadong botanteng katutubo mula sa Barangay Calasaguen ang pumabor sa responsableng pagmimina base sa serye ng mga konsultasyon sa komunidad na isinagawa noong 2022 sa ilalim ng gabay ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), habang nagpahayag din ng pagsang-ayon sa operasyon ng INC ang mga IP mula sa iba pang barangay gaya ng Barong-Barong, Ipilan, Mambalot, at Maasin.

Umaasa ang INC na sa tulong ng pagpapaigting ng kanilang IEC, malalabanan ang pagkalat ng maling impormasyon at makapagdudulot ito ng isang positibong hakbang tungo pagkakaunawaan sa pagitan ng kumpanya at ng iba pang mga residente ng Brooke’s Point.