Tuesday, March 19, 2024

Opisyal na Pahayag ng Ipilan Nickel Corporation, Kaugnay sa Isinagawang pagdinig ng Committee On Environment ng Sangguniang Panlalawigan

PALAWANDERER.COM

Opisyal na Pahayag ng Ipilan Nickel Corporation, Kaugnay sa Isinagawang pagdinig ng Committee On Environment ng Sangguniang Panlalawigan

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Lubos ang pasasalamat ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa isinagawang committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan nitong Pebrero 2,2023, kaugnay sa naganap na pagbaha sa bayan ng Brookes Point nitong Disyembre 26, 2022 at Enero 4-5, 2023. Ipinrisenta ng MGB ang resulta ng imbestigasyon na kanilang isinagawa kaugnay sa mga nabanggit na insidente ng pagbaha.

Sa nasabing imbestigasyon lumabas na malinis ang mga discharge ng tubig mula sa mining area ng Ipilan Nickel Corporation. Wala ring nakitang landslide o soil erosion sa mine pit ng INC. Base rin sa nasabing imbestigasyon, may mga mapupulang bato ang mga ilog sa Bgy. Mambalot at Bgy. Ipilan na syang dahilan ng pagpula ng tubig at lupa sa mga nasabing barangay.

“Sa imbestigasyon ko,  dito sa area ng  ipilan river at sa Mambalot area ay medyo mapula ang putik. Tinignan ko Yung mga bato,yung mga graba sa gilid, may mga bato doon na green, may mga bato doon na madaling mabasag na medyo mapula. Yung mga silt stone na yun, mapula. So kung meron kang bundok na gawa sa ganyang bato na medyo mapula, pwede syang gumagawa ng mapulang putik. Tapos pwedeng babagsak sya sa ilog at pwedeng magcontribute sa kulay ng tubig baha,” paliwanag ni Merari Rosaroso ng MGB MIMAROPA.

Sa parehong hearing din, pinasinungalingan ni Kap. Domingo Bernas,ng Bgy. Maasin  ang sinasabi ng ilan na ang pagbaha nitong Disyembre 26,2022 at Enero 4-5, 2023 ay unang pagkakataon na malubhang binaha ang Bgy. Maasin.  Ayon sa kanya, taong 1975 ay nakaranas na ng matinding baha ang Bgy. Maasin at ilang barangay sa Brooke’s Point, dulot ng bagyong Enyang. May nangyari rin na malawakang pagbaha nung July 24-27 2005, na naka-apekto sa 13 barangay.

At base na din sa aming Monitoring ang pag-ulan sa Brooke’s Point ay naitala sa 191.5mm nung Dec. 26, 121.8mm nung Jan. 3 at 225.5mm nung Jan. 4. Isa sa pangunahing dahilan ng pagbaha sa maraming baranggay ng Brooke’s Point.

Kaugnay naman sa isyu ng aming Certificate Precondition (CP), aming nilinaw na kami ay sumunod sa proseso alinsunod na rin sa mga alituntunin ng NCIP. Sa pangunguna ng NCIP Palawan, nagsagawa ng mga serye ng community consultation at decision making sa mga katutobo noong Hunyo 19 – Agosto 4, 2022 sa mga barangay ng Calasaguen, Maasin, Mambalot, Ipilan, Barong-Barong at Aribungos. Dumalo din sa konsultasyon ang ELAC at ilang konsehal ng munisipyo. Dito bumoto ang katutubo sa pagsang-ayon nila sa operasyon ng INC. Nanalo sa botohan ang mga sang-ayon sa operasyon ng INC. Sa kabuuan, 3,739 ang mga bumoto pabor sa operasyon ng INC. 614 ang hindi sumang-ayon sa Barangay Aribungos, samantalang sa Bgy. Calasaguen ay sumang-ayon sa pagmimina ang lahat ng mga katutobo habang ang mga katutubo mula sa mga Bgy ng Barong-Barong, Ipilan, Mambalot at Maasin ay nag-concede sa botohan.

Sa usapin naman ng mayor’s permit, ang INC ay nagsumite na sa munisipyo ng mga kaukulang requirement  noong Enero 10, 2023 para sa aming renewal at aming hinihintay na lamang ang assessment ng Treasurer’s Office upang aming mabayaran ang local business tax.

Sa aming hangarin na maging katuwang ng bayan at ng mga mamamayan sa progreso, umabot na sa P 53.3 million ang aming naging kontribusyon sa komunidad. P 20.8 million ay napunta sa mga proyekto at programa para sa mga Bgy ng Maasin, calasaguen, Mambalot at Ipilan. Habang P 15 million naman ay ang naitulong ng INC sa komunidad sa ilalim na kanilang  Corporate Social Responsibilty at P 17.5 million naman ang pondo para sa mga programa at proyekto para sa IP Community na sakop ng aming operasyon.

Sa kasalukuyan ay halos 1,500 empleyado na ang natutulungan ng INC na magkaroon ng kabuhayan, 90% dto ay mga residente ng Brooke’s point at 28% naman sa kabuuang bilang ng mga empleyado ay mga katutubo ng nasabing bayan.

Asahan ninyo ang mas marami pang mga proyekto at programa na aming ihahatid sa mga mamamayan at ang aming patuloy na pagpapaabot ng tulong tungo sa patuloy na pag unlad ng bayan.