Monday, April 29, 2024

Sister company ng Ipilan Nickel nagwagi ng Presidential Award sa 2022 PMIEA

PALAWANDERER.COM

Sister company ng Ipilan Nickel nagwagi ng Presidential Award sa 2022 PMIEA

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nasungkit sa pangalawang pagkakataon ng Platinum Group Metals Corporation (PGMC) ang Presidential Award sa kategoryang surface mining sa Presidential Mineral Industry Environmental Award (PMIEA).

Ito ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng industriya sa mga minahan bilang pagkilala sa pagsusulong ng mga ito sa ligtas at sustenableng pagmimina na may paggalang sa kalikasan.

Bilang pagsasabuhay sa kasalukuyang tema ng PMIEA na “Pusong Minero: The Quiet Heroes of the Pandemic”, aktibo ang PGMC sa pagpapalawig ng suporta na kinakailangan ng mga mamamayang lubhang naapektuhan ng krisis. Mahigit Php 35 milyon ang inilaang pondo ng kumpanya para sa COVID-19 response efforts nito at patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan para matulungan ang mga komunidad na makabangon at makabawi sa iba’t ibang paraan.

Kaisa ng PGMC ang Ipilan Nickel Corporation (INC) sa pagsusulong ng responsableng pagmimina sa ilalim ng iisang conglomerate. Kabilang dito ang pagbibigay-prayoridad sa pangangalaga sa kalikasan at kapakanan ng mga komunidqd na nakapalibot sa mine site. Bilang pagsulong sa responsableng pagmimina, masusing ipinapatupad ng PGMC at INC ang kanilang mga operasyon alinsunod sa mga alituntunung itinakda ng pamahalaan.

Sa muling pagkamit ng PGMC ng pinakamataas parangal mula sa PMIEA, ipinakikita ng kumpanya ang kahandaan nitong tuparin ang pangako kaugnay ng pag-unlad na mas malawak, matatag, at inklusibo.